Childhood Journey

Standard

12821335_10209050728170553_1297812038178754898_n

Mga magkababata nasa edad 15 taong gulang pakami nong nagkakahiwalay sa tagal ng panahon muling nagkasama at naituloy ang mga nakalipas na samahan sa mahabang taon halos dumaan ang dalawat kalahating dekada na lumipas at muling nagkita dipa kasali yong mga nasa karatig na bansa at partikular sa luzon at pinanggalingan naming probinsya ang Davao City mga teenager palang kami nasa ambisyon na namin ang maging maginhawa ang buhay,kami lang ang nagkaka intindihan kahit mga magulang namin noon ay di sang ayon sa aming mga diskarte sa buhay nasa kabila ng aming mabuting pagsisikap na maiahon namin ang aming mga pamilya sa hirap ng buhay naglakas loob kami na makipagsapalaran dito sa Luzon we back 1992 ako napadpad dito sa baesa santa quiteria caloocan city iba sa sucat paranaque city at makati city at di kami natinag sa pag abot ng aming sariling pangarap ang ambisyong naisakatuparan dahil sa pamamagitan ng tiyaga at pagpupunyagi,masarap sa pakiramdam ang maitaguyod mo ang iyong pamilya sa kahirapan pero ang pagsubok na darating ang siyang hadlang na kailangan mong maging matatag,malagpasan dahil sa oras na matalo ka sa iyong kahinaan wala ding saysay ang mga nakamit mong tagumpay laban,tibay lang at tiwala sa diyos ang pinakamabisang sandata para yaong tiwala mo rin sa sarili mo ang siyang ugat sa matiwasay na buhay.

12819214_10209064505474977_3017549560204245893_o

Payak ang pamumuhay ng mga taong nakatira dito sa Sitio Balagbag Rizal malawak na lupain at magagandang tanawin dito kami pumasyal at nagsama-sama sa pagtahak sa matarik na lugar kahit animo’y mainit dito di namin indangin dahil sa taglay niyang tanawin dito ramdam mo ang sariwang hangin na humahampas sa iyong katawan batid mong uhaw pero sulit ang akyat naming magkakaibigan sa pamamagitan ng pag guide sa amin ni kuya MAR laking tulong ang makarating sa lugar kung saan maiikot mo ang iyong gustong puntahan na isang kakaibang adventure sa lahat ng nagnanais marating ang bundok na tanaw ang kamaynila-an.

12819391_10209064503794935_6767277240280685783_o

Narating namin ang tuktok na sinasabing may mga nakatirang cobrang ahas at ang summit area na helitop kung tawagin nila dito may mga nakikita akong papausbong na bunga kulay pula na parang maytinik ang puno waring hugis cactus kung tawagin ay GRANADA isang prutas na matatagpo-an sa area ng Mt.balagbag namangha ako kahit pakiwari ko isang disyerto at walang gaanong puno akong nakikita pero maipagmamalaki mo na ang kalikasan ay may taglay na kaakit akit na dapat pangalagaan ng husto para na rin sa mga susunod na henerasyon na maaring lumago at mapapakinabangan ng mga kabataan.

SAM_5091

Pangkaraniwan na sa aming magbabarkada ang ganitong kalokohan sa mga kakaibang strakturang buwis buhay isang ritwal ito kung saan kami ay nag aalay ng aming mga sarili sa katatawanan laking gulat ko nang akoy madagaanan ng pyramid na nakatayong kahoy sa aking katawan pero tawanan lang ang naging paraan para diko maramdaman ang kirot at sugat sa aking kamay,naalala namin nong kami ay mga bata pa ganitong ganito ang mga ginagawa namin sa oras na kami ay magkakasama palagi araw ma’t gabi umulan ma’t umaraw tuloy ang kulitan at katatawanan ang saya-saya kahiligan narin namin ang pagpunta sa mga ganitong lugar pero malimit kami sa dagat dahil mas malapit kami sa dalampasigan kung saan may isang isla sa harap ng sitio kung saan kami lumaki ang  BRGY.SASA harapan ay isla ang SAMAL ISLAND madalas pasyalan ng mga torista tanaw mo rin ang bulobundokin tila nag aanyaya sayo na puntahan.

SAM_5052

Ang bato patong talikod na kuha sa aking pagkakaalam ay isang relaxation ng mind body & soul isang meditation sa sarili para likas na ma exhale mo ang bad toxic sa iyong katawan isa sa pamamaraan ng YOGA technique ay ang pag exhale at enhale kasama yan sa sports kung saan nakakaluwag ang iyong puso sa paghinga lalo’t matatarik at malalayo ang yong pupuntahan mabisang paraan dahil subok ko na.

SAM_4963

SAM_5013

SAM_5138

Maganda rin ang YOGA kaso kelangan flexible ang iyong katawan at relax ng iyong mind bago mo gawing ang kasunod na hakbang may isa akong kababata na nagtuturo ng YOGA pangalan niya ay si GRACE na naka base ngayon sa Cebu bantayan Island don niya ginagawa sa dalampasigan kung saan sila malapit at doon narin niya napiling bumuo ng pamilya (Foriegn husband) na base sa london,umaga niya ginagawa kaka umpisa palang ng bukang liwayway, siya itong nasa larawan ko na pinipilit kong gayahin pero kahit pano nagawa ko ng sakto medyo konti pa,ngayon naranasan niyang mag actual yoga sa bundok kahit na mahirap akyatin pero di siya sumoko walang susuko hanga’t may kakayanan tayo ganon namin maisalarawan ang aming mga naging buhay na hanggang ngayon ay di parin kami nawalan ng tiwala sa diyos dahil kung nakayanan namin hirap noon lalo pa’t sa ngayon mayaman kami sa mga kaibigang marunong magmahal at tumanaw sa kapwa,yon ang maipagmamalaki namin sa buhay na kayamanan kailan man ay di matutumbasan ng salapi.

12801446_10209050726170503_8256453726708989588_n

 

The cast and the friendship forever dream come true…

OJA/ESYAT/MJ/LAN (photo of ojeen)

Advertisements